Monday, February 13, 2012

Be strong BJ.. please..

..BJ is our new dog -- two months old shih tzu and so malambing. My brother and her wife bought him last Sunday. On his first day with us, of course nag-aadjust pa siya so he's kalmado, not makulit, palakad-lakad lang sa sala and always sleeping. Then Tuesday came, Wednesday, Thursday, and Friday --- ayun! masigla na siya :) nakikipaglaro na :) Ang cute! :D Every time na darating kami from work he'll approach us agad and nagwiwiggle yung tail niya!! :) Yiiie! Then ako tatambay muna sa house ng kapatid ko to play with him kasi for sure di naman siya gaano naaasikaso kapag morning na until hapon dahil si Mama inaaalagaan si Natnat so it's BJ's time naman to have some fun :) So ako, bilang friend niya.. I play with him.. :) Papahabol kunware .. Hehe.. Then he'll run towards me.. :) So cute! Then kapag pagod na kami pareho, i'll just sit on the floor tapos he'll sleep na sa lap ko..




........ But now things have changed. Last Saturday, naging matamlay na siya and 'di na niya nauubos yung food niya. Bad news came in --- based on the medical results that was conducted last Sunday, he has Canine Distemper Virus. Hay.... :( My brother told me when they arrived from Animal House that he is dying.... I was shocked by the news, 'di tlaga ako mapakapaniwala. Kakaturn pa lang niya ng 1 week sa amin then may ganung sakit na siya and the vet said that Canine Distemper Virus cannot be acquired ng 1 week lang so baka sa dati niyang pinanggalingan nakuha. Malabo din naman na dito ni BJ nakuha yung virus kasi 'di naman namin siya inilalabas ng bahay, he's always inside. Wala din naman kaming aso maliban sa kanya. Hay... Nalulungkot ako.. :( Naiiyak na din... Hay... Then kanina, the vet from the Animal House called Ate Filo, my brother's wife, saying that the result of BJ's CBC is "bad", he's anemic na din daw.. Hay...... Ang daming nagsisink in sa akin. Yes, 1 week old pa lang siya sa amin pero may space talaga sa pagkatao ko na malapit ako sa dogs kaya ako ganito.. AFFECTED... The vet also said that maliit lang yung chance na he will survive..*fingers crossed* Hay.... (Update: Yung dating owner and si Kuya Alvin nag-usap na but I don't know kung ano yung napagusapan nila. Today is BJ's last day sa amin kasi kukunin na siya nung dati niyang owner, so I took some pictures of him... *sad* I will miss him... :'( I will miss him na naandito siya sa amin, I really hope and pray na maging ok na siya and makasurvive siya sa sakit niya. BE STRONG BJ!

Saturday, December 10, 2011

Finally! :)

***Yey! December na!.. Ang bilis ng panahon -- sasapit na ang kapaskuhan at liliwanag na naman ang kalangitan sa pagsalubong ng bagong taon. :)
_______________________________________________________________

FINALLY! may work na ako. :) Hmmm, I started last November 22, it was Tuesday. A day before the 22nd, pinapunta ako sa Claret School to pass all the pre-employment requirements. So ayun, Hmm, I'm happy that may work na ako pero I'm still thinking if want ko ba talaga ng ganung nature of work na pangmatagalan. Siguro dahil sa kakasimula ko pa lang and this is my first kaya ako nakakapag-isip ng ganito. Hehe. Sadyang, may hinahanap lang talaga ako, gusto ko pang mag-explore. :) Enjoy naman ee, masayahin officemates ko, mabait naman sila and if may mali sa ginawa ko, they will correct me naman which is a good thing dahil sa baguhan lang naman ako, madami akong dapat matutunan from them kasi matatagal na sila sa Claret. I also enjoy interacting with the parents and also with the students. Tinatawag kang "Ma'am, Miss or Ate", Haha! Ang kulit lang. Hmm, I'm really looking forward na maging ka-close ko lahat sila sa department namin and I hope magtagal din ako sa Claret. :)
_______________________________________________________________

Sa wakas, pumasa na din ako sa Civil Service Exam (Sub-Professional). :) Yey! at least eligible na ako para makapagwork sa government if I have decided to work sa kahit anong sangay ng gobyerno. It was my second take, yung una kasi is last March at hindi ako nakapasa -- I took the CSC Exam (Professional) at ang result ay bagsak. Haha! Tsk. Hindi kasi kinaya ng brain ko yung Math part ee, kinulang pa sa time kaya halos lahat ng items sa Math ay hinulaan ko. *sad*. Kaya nag-take ulit ako last October pero Sub-Professional na lang muna, so ayun pinalad ako. Haha! Nice :) Next target is Professional level, need mag-aral. Grrrr!

Proof that my name is included sa list of passers ng CSC Exam NCR (Sub-Professional) last October 2011. :)


_______________________________________________________________

I will never forget to thank God for all the blessings na na-rereceive ko ngayon and I'm also thanking Him sa mga trials na napagdaanan ko or pinagdadaanan sa ngayon because 'di naman ako magiging matatag kung hindi sa dahil sa mga yun. :) Thank You! 

Thursday, November 17, 2011

Tugtugan nung Kabataan

Hmmm, during elementary days I joined the Rondalla Club sa school. Hmm, sa katunayan 'di ko talaga alam na isasali ako ng mom ko sa Rondalla. Basta ang naalala ko lang is binilhan niya ako ng Bandurria yun pala isasabak niya ako sa Rondalla Club na wala man lang pasabi-sabi. Haha! Sinali niya siguro ako kasi yung isa kong brother is nag-Rondalla din nung elem. days niya. :D Oo, nung una ayaw ko dahil 'di naman ako marunong, pero proseso naman ang pagkakatuto. Oo, mahirap talaga sa simula dahil yun ang una kong paghawak ng string instrument tapos left-handed pa ako. Mahirap mag-strum ng strings, siyempre 'di siya yung tulad ng ordinaryong gitara na anim (6) ang strings 'coz a Bandurria have 14 strings. :)  Pahirapan din sa pagmemorize ng piyesa ng songs. Eventually, I gained friends naman. Hmm, part of being a member is yung ma-eexcuse ka sa class dahil merong practice dahil may presentation every time na may program sa school, kilala ka ng ibang students and faculty, and joining competitions -- and kapag nanalo kami sa contest, magpeperform ulit. :) Nakakatuwang sariwain yung mga alaala na every week may practice kayo, yung feeling na tumutugtog ka sa harap ng maraming tao tuwing may presentation or competition and yung pakiramdam kapag nag-uuwi ka ng karangalan sa school kasi nanalo sa contest. Hmm, kapag sumasali kami sa contest siyempre we have our attires -- baro't saya inspired. :)

Our club coordinator was Sir Granado. His wife was also a teacher in our school so kilalang kilala sila. Hmm, Mr. and Mrs. Granado and my mom are friends, so matagal na silang magkakilala elem. days pa ng kapatid ko. Mr. Granado died when I was in Grade 6, during this time nasa Choir Club naman ako and he's also the Coordinator. I'm not sure what's the cause of his death, heart attack ata 'coz a day/a night before his death, there's a celebration sa school because a teacher celebrated her birthday and nung mismong celebration ata na-heart attack siya. Sir Granado was a good mentor and he's also kind to his students. Sa katunayan si Sir ang nag-ayos ng Bandurria ko when a fellow member of the club accidentally broke it while we where going to Quezon City Circle for a contest (kaya yung Bandurria sa picture may garter and nilagyan ng mighty bond kasi yun yung ginawang remedyo ni Sir). Ang likot-likot kasi niya kaya ayun nadaganan niya yung Bandurria ko. So while we were on the stage, nagpretend na lang ako na tumutugtog din tulad ng iba, the show must go on. :)

Nakakamiss lang talaga yung dati. :)



Hmm, for those people who want to know more about Rondalla, just click this link: Kababayang Pilipino. :)

Wednesday, November 16, 2011

"Lumalaki ang ulo?!"

Another night na naman na 'di maganda. I hate it when "M" tells me "lumalaki ulo mo!". I really don't get it kung bakit ganun. Ganun na ba talaga kapag your just expressing what you feel, lumalaki na ulo mo?!.. This is what I really hate eh, laging "siya" lang ang tama and once na sumagot ka your unrespectful na agad. Tss.. Yes, may pagkakataon talaga na nagrereklamo ako 'coz alam kong tama yung sinasabi ko. (I know mali ang pagsagot pero 'di din naman tama na manahimik na lang lagi kung alam ko namang may mali talaga sa sitwasyon/nangyayari.) Nakakainis lang talaga na, porket nagkatrabaho na tatamad-tamad na sa loob ng bahay, walang ginagawa man lang, utos lang nang utos and even his responsibilities sa bahay 'di magampanan. Yun ba ang matatawag na responsible??? Tss.. I'm doing my part naman pero bakit ako pa din ang nakikita? Bakit hindi "niya" tingnan yung ibang walang ginagawa, nagkakalat madalas -- acting as if he's a prince. Hay... So UNFAIR! >;(

Tuesday, November 15, 2011

Sociology Batch 2011: Almoite

2.) Marielle Frances Talion Almoite a.k.a "Macy"


What can I say about this girl? Hmmm.. :) Si Macy para na siyang sister ko. I can share anything to her kasi and I'm very comfortable with her. Kung pagbibigyan man ako na magwish, isa siya sa mga want ko maging kapatid. :) I think anyone naman na makikilala siya for sure magiging friend niya. This cute 'lil girl is super friendly and napaka-kikay! Haha! She likes nail polish, earrings and rings! Haha! Hindi siya yung type na mahirap pakisamahan. You can tell your deepest secret/s to her, mapagkakatiwalaan siya sa madaming bagay. Like my other friends, she's also open-minded. She's fun to be with, no boring moments. :) Jolly person siya, as in. Madalas kasi siyang makikitang naka-smile and tumatawa. Haha! I can also tell that she's very optimistic and nakakahawa yun every time na kasama mo siya which is a good thing. When your down, i-a-uplift ka niya, ganyan siya. She's such a loving friend. Isa si Macy sa mga close friends ko nung college (until now) and dahil dun, madalas ko siyang nakakasama with other friends. I can share anything to her -- happy man or sad, may sense man o wala. Hehe. I'm sure her/our friends will definitely agree that she's a friend na maaasahan mo anytime and I am very lucky to have a friend like her. Ay! singer din pala 'tong si Macy. Magaling siyang kumanta, siya ang nag-iisang may ganyang talent sa classroom yung iba kasi 'di nabiyayaan ng golden voice. Haha! I love you Macy! ^^

Monday, November 7, 2011

Sociology Batch 2011: Acorda

Until now, 'di pa rin ako makaget over na kasama ako sa Batch 2011 na nagtapos sa UST. Bonggacious naman kasi ang Batch 2011 because of the celebration ng 400 years ng USTe, unending grace ika nga nila. Taray! :) I'm so proud na Tomasino ako. :D Ok, fine.. tama na, Haha! Dumako na tayo sa talagang punto ng blog na 'to -- meet my blockmates from A to T, Haha! I just miss these people kahit na yung iba sa kanila eh 'di ko naging ka-close. I'm just happy that I've met them and nakasama ko sila for four (4) years. Siyempre yung iba naging kaclose ko, yung iba naman hindi. Natural lang naman atang ganun, may grupo grupo talaga, 'di na maiiwasan yun sa classroom. :) Okay, I will start na. Haha! (Hmm, Isang tao per day na pagbblog ko yung maipopost ko. Haha! pero kung sisipagin naman edi go! :))


1.) Rosechelan Charity Gazmen Acorda a.k.a. "Rosechelan", "Rosechel", "Rossy"


She's one of  a kind. Walang halong biro at hindi dahil sa kaibigan niya ako at kaibigan ko siya pero ang bait niya kasi. Kahit na she came in a well-to-do family, humble pa din siya. Dalhin mo siya sa isang place na 'di ganun kaaya-aya, she can adjust, walang ka-kiyeme kiyeme. Oo, may pagkamaldita minsan at maarte pero natural na kasi yun sa isang babae, Haha! She's also smart, siya ang nag-iisang cum laude ng Socio Batch 2011 and I'm so proud of her, she deserves it naman eh. :) Ano pa bang adjectives ang masasabi ko sa kanya? She's kind and pretty. Si Rossy kasi, kung titingnan ko siya, nasa kanya na yung hinahanap ng guys -- tulad nga nung sinabi ko, she's pretty, kind, witty, may sense of humor, humble, ano pa ba ang dapat hanapin? Kumbaga, if I'm a guy, I will totally pursue her, she's a type of girl na maaari mong sabihin na, "One day, I will marry this girl". Sa age niya ang mature na niyang mag-isip. Open-minded din tong girl na 'to ee, you can talk to her about anything, as in anything, Haha! Loka-loka din siya minsan, Haha! Art lover si Rossy. If there's a chance, pumupunta siya sa mga art exhibits with Shayne and friends. Music lover din 'to ee, trip niya ang progressive music. :) Sa kasalukuyan, law student siya sa USTe. It's her dream talaga na mag-Law School. I believe in her na kaya niya ang Law School kahit mahirap/sobrang hirap, samahan pa ng mga heavygat na Professors/Lawyers/Justices/Chief Justice, Haha! Definitely, she'll fulfill her dreams. :)

I love you Rossy! :) I miss you! 

Thursday, October 20, 2011

I Remember by Joaquin Alejandro F. Ambata


"I remember" by Joaquin Alejandro F. Ambata. I admire this guy for his drive and passion niya to make wonderful videos like this one. Sa pagkakaalam ko ito yung una niyang ginawang video when he got his new "baby". Haha! Ito yung ginawa niyang video as part of his course portfolio in Seminars in Sociology nung 4th year kami, to be exact, hmmm.. 8 months ago. Nung napanuod ko 'to for the first time, from the beginning 'til the end I was just smiling. :) Nakakatuwa and nakaka-inspire. Yes, I don't know the technicalities when it comes to videography but I think naiparating naman niya yung message na gusto niyang iparating sa audience. Good job Wacky! :)

***Ito marahil yung epekto kapag walang ginagawa at nagbbrowse lang ng video na mapapanuod. But there's one thing that I'm sure of, namimiss ko na lahat nang nakasama ko during my college life and my memories with them. :)