Sunday, November 4, 2012

#yamot

I hate the feeling when I'm yamot.. para akong nagtatantrums deep inside. Hehe. Grrrr!

#Yamot ako dahil: (Mamili kahit ilan kung ano ang swak sa inyong nararamdaman sa kasalukuyan. Haha!)

(  ) Mas maganda/mas gwapo siya sa'kin, Hmp!
(  ) Pinagalitan ako ni mommy/daddy. :(
(  ) Ang baho ng katabi ko sa fx/ jeep/ bus. Sobra!
(  ) Mas sexy/macho siya kaysa sa'kin!
(  ) Siya si Ms./ Mr. Popular. O_o
(  ) Pinalo ako ni mommy/daddy sa puw***. :'|
(  ) Nag-away kami ng girlfriend/boyfriend ko. Hay...
(  ) Nakatapak ako ng dumi ng aso/pusa/baka kanina! Ewww!
(  ) Dinapuan ng langaw yung kinakain ko nung agahan/ tanghalian/ merienda/ hapunan. Grr!
(  ) Ang init ng panahon, binungang-araw ako. Dyahe men!
(  ) Wala nang sinaing pagdating ko sa bahay/ dorm/ apartment. Yamot!
(  ) Inatake ako ng asthma/ allergy.
(  ) Nakalimutan kong magdeodorant/ magsipilyo papasok ng school/ office. Nice!
(  ) Biglang umulan at wala akong payong. Tsk!
(  ) Bumagsak ako sa math/ trigonometry/ geometry/ calculus/ lahat na ng may math. Haha!
(  ) Nakagat ko labi/ dila ko. Ouch!!! (Number please..)
(  ) Bumaliktad yung payong ko nung humangin kanina. Sh**! Haha!
(  ) Sa dinamidami ng lalandingan ng ipis, sa bibig ko pa. Kadurdurrr!
(  ) Pinagpalit ako ng gf/ bf ko sa iba... take note: sa pangit pa!
(  ) Natanggal yung suwelas ng shoes ko kanina habang tumatakbo ako. Haha! Dyahe girl!
(  ) Wala akong PERA!
(  ) Wala akong LOVE LIFE!
(  ) Ang dami kong problema, tae, pakibawasan naman oh!
(  ) Kapag sinabing waluhan pero siyaman lang sa jeep. Manong naman!
(  ) Kapag naging taya sa pag-abot ng bayad sa jeep.
(  ) Kapag nahuli ka ng nanay mong nanunuod ng porn. OMG!
(  ) Mahina ang signal na TV, Walang Hanggan na!!!!
(  ) Biglang nangati puw*** ko, pero 'di ko makamot!
(  ) Dial ka ng dial, pero 'di mo ko makontak. (Kulangot!)
(  ) Biglang nagbrownout, naliligo ako!
(  ) Nagtext si crush, happy-ng happy sabay Check Operator. Haha! Yamot!
(  ) Magkasama nga kayo gf/ bf, pero parang wala lang.. parang 'di ka nageexist.
(  ) at madami pang iba..

..ikaw? saan ka nayayamot? Haha!





No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.